Kabanata 2
Ininom ko 'yung kape. Hanggang sa huling patak. At hindi ko sinabi sa kanya.
Kinabukasan, bago ang shift, pinatawag ako ni Sister sa office niya. Nakaupo ako sa harap ng mesa niya, hawak pa rin 'yung bag ko, parang hindi pa ako talaga pumapasok.
"I'm putting you down as Ivan's OSCE supervisor," sabi niya, habang nagta-type. "Sign-offs, practice sessions, the lot."
"Sister, can someone else take him? Anyone else."
Tumigil siya sa pag-type. Tumingin sa akin sa ibabaw ng salamin niya.
"You're the best I've got."
Wala akong masabi doon. Wala namang masasabi.
"He's got three attempts at the OSCE," dagdag niya. "If he fails the third, the trust ends the sponsorship and he goes home. That's it. No appeals."
Binuksan niya 'yung file. Tumingin, kumunot 'yung noo.
"Top of his board exam. Passed his English on the first go. Odd that it took him seven years."
Naramdaman ko 'yung sarili kong kamay na humigpit sa strap ng bag.
Kasi hindi 'yun ang alam ko. Pitong taon na ang nakakaraan, bumagsak siya sa UK exam. Dalawang beses. Ako 'yung tumawag sa kanya noong gabi ng pangalawa, at hindi siya sumagot. Isang slot lang ang binigay ng St Aldwyn's sa Valle Verde noon. Ako 'yung umalis. Mag-isa. May bitbit akong isang maleta at isang boarding pass, at ang akala ko susunod siya.
Hindi siya sumunod.
"Sister," sabi ko, tumayo na, "I'll take him."
Alas-kwatro ng madaling-araw, dinala ko siya sa clinical skills room. Mannequin, trolley, mga gloves na pinaglumaan. Isinara ko 'yung pinto.
"Morales."
"Charge."
Nakatayo siya sa kabilang dulo ng mesa, nakapatong 'yung kamay sa gilid. Hindi siya umupo. Parang naghihintay ng utos.
"Ako ang supervisor mo sa OSCE. Order ni Sister. Hindi ko hiningi." Inilapag ko 'yung clipboard sa pagitan namin. "Isang beses ko lang 'to sasabihin. Sa loob ng ospital na 'to, walang dati. Charge nurse mo ako. Pre-reg ka. 'Yun lang."
Tumango siya. Dahan-dahan.
"Sige."
Isang salita. Pero 'yung boses, 'yung bigat, 'yung paraan ng paglabas niya — 'yun din 'yung sinabi niya sa akin sa airport pitong taon na ang nakalipas, habang hawak ko 'yung luggage ko at sinabi kong hindi na ako maghihintay.
Sige.
Hinawakan ko 'yung clipboard at lumabas ako bago pa may madagdag.
Alas-sais, mag-ha-handover na, nagre-restock kami ng gloves sa store room. Kasama ko 'yung HCA, hawak 'yung box, kinakanta 'yung kung anong narinig niya sa radyo.
"That one's a good lad," sabi niya bigla, habang sinasalansan 'yung mediums. "Quiet, though. Funny thing, love — when they placed him, he asked for any ward but this one. Said it twice, apparently."
Natigil ako. Nakahawak pa rin ako sa isang kahon.
"Any ward except Larkspur?"
"That's right. Sister stuck him here anyway." Kinibit niya 'yung balikat niya at ngumiti. "Nights are short, aren't they, love. Always are."