Kabanata 5
Alas-otso y medya ng gabi, nasa council office ako, may bitbit na coffee jar na puno ng barya.
Buong hapon kong iniisip 'yung sinabi ni Bettina. May nagbayad. Ask the booth. Pero ang nangyari, may hawak akong receipt booklet at isang garapon ng barya, at may kailangan akong tapusin bago ako makapagtanong.
"Every booth's cash is counted and sealed here at nine every night," sabi ni Clyde habang binubuksan ang folder niya. "That is the rule. It has been the rule since first year."
"Sinabi mo na 'yan sa'kin, Robles. Tatlong beses."
"Then it should be easy to remember."
Ibinuhos ko 'yung garapon sa mesa. Lumagapak ang barya, may tatlong gumulong sa sahig, at may isang piso na nawala sa ilalim ng filing cabinet. Pinulot niya lahat. Hindi siya nagreklamo. Hinati niya ang barya ayon sa halaga, pinatag ang mga lukot kong bente, at sinunod ang pagkakasunod-sunod ng numero sa receipt booklet ko—kahit gulo-gulo 'yung pagkakasulat ko.
Sa gitna ng pagbibilang, tumigil siya.
Nakatingin siya sa kamay ko. Sa mga daliri ko—maitim sa charcoal, pula 'yung gilid, may kaunting litid na sugat sa hinlalaki kasi buong araw akong gumuhit nang walang pahinga. Kupas na 'yung nail polish ko sa kakakuskos.
"Your fingers," sabi niya.
"Buhay 'yan."
"Forty-one sales today. That is more than any booth on the quad." Tumingin siya ulit sa papel. "Rest them tomorrow."
Hindi ko alam kung bakit mas mabigat 'yon kaysa sa thirty thousand.
Tumayo ako para kunin 'yung dalawang baryang nahulog, at may bumagsak sa sahig mula sa bulsa ko. Maliit. Pula.
'Yung yarn ring ko.
Bago pa ako makayuko, nasa kamay na niya. Binuksan niya ang ledger niya, inilagay 'yung singsing sa gitna ng pahina, at isinara nang dahan-dahan.
"Safekeeping," sabi niya. "Until closing night."
"Robles—"
Tumunog ang phone niya. Tiningnan niya ang screen at agad na sumagot, at nagbago ang boses niya. Mas mahina. Mas bata.
"La, nandito pa po ako sa office."
Narinig ko mula sa kabilang linya, malakas, parang nasa tabi ko lang: "Apo, nasaan ka na? Gabi na!"
"Opo, pauwi na po mamaya." Lumabas siya sa hallway, phone sa tainga, manggas nakatupi nang dalawa.
Katok sa pinto. Ang booth cashier ng Theater Guild, 'yung second year, may dalang selyadong envelope.
"Ate Michelle po, para po sa audit. Nandito po 'yung request slips, naka-clip po sa taas."
"Salamat."
Umalis siya. Naiwan ako sa mesa, barya sa isang tabi, at 'yung makapal na kalipunan ng maliliit na papel sa kabila.
Binuklat ko. Hindi ko dapat, alam ko. Binuklat ko pa rin.
Mga pangalan. Mga oras. Mga barya. Pabalik-balik ako hanggang sa umabot ako sa pinakailalim—opening day.
At doon, nakita ko ang pangalan ko. Nakasulat sa parehong parisukat na malalaking letra na sumulat ng REJECTED sa sticky note ko nang umagang 'yon.
Binasa ko nang malakas, sa walang taong kwarto, para marinig ko mismo.
"Michelle, Fine Arts, third year. Requested by: C. Robles. Paid: one thousand. 8:15 a.m."
Alas-otso ng umaga niya ako tinanggihan.
Labinlimang minuto. Labinlimang minuto lang ang pagitan.
Hindi ako nakaupo ulit. Nakatayo ako doon, hawak ang papel, at ang ingay sa tainga ko parang jeep sa España.
Bumukas ang pinto.
Nakatayo si Clyde doon, nakasindi pa ang phone niya, kausap pa rin siya ng Lola niya—at nakita niya ang slip sa kamay ko.
