Kabanata 2
"Get out of my house," sabi ng Nyora, at hindi na umulit.
Lumabas si Hector Gumban. Sinundan ko siya. Hawak ko ang envelope sa dibdib ko at dumaan ako sa likod na gate, pababa sa lumang stone landing sa gilid ng ilog. Isang ilaw lang doon, dilaw, puno ng gamu-gamo. Amoy putik at tubig-alat.
Binuksan ko ang envelope doon mismo.
Ang kotse ng asawa ko. Tumama sa seawall sa gate ng yard sa Lapuz, alas-dose ng hatinggabi. "Brake failure" ang nakasulat ng traffic investigator. Ni-release nila ang sasakyan sa pamilya. Kinaumagahan, ibinenta ni Javier sa scrap.
Pero bago 'yon umalis, kinuhanan ng litrato ng head mechanic ni Hector ang rear brake line.
Putol. Malinis ang putol. Hindi gasgas, hindi luma, hindi napudpod. Nasa locker daw ng mekaniko ang piraso.
Tumitig ako sa litrato nang matagal. Hindi ako umiyak. Parang may kumuha ng hangin sa dibdib ko at hindi na ibinalik.
"Bakit po ninyo 'to ginawa?" tanong ko. "Bakit kayo nakikialam?"
"He died at my gate," sabi niya. Tahimik. Nakatayo siya sa dulo ng landing, hindi lumalapit. "Mrs. Montañez, here's what I'm offering. My lawyer. My money. Until you're holding your son's shares, hindi ako aalis."
"At ang kapalit?"
"Ibenta mo sa akin ang lumang pier sa Lapuz. When all this is done."
Tinupi ko ang papel. Pantay. "Hindi po ako nagbebenta ng hindi pa akin, Mr. Gumban."
"I know. That's why I can wait lang."
Tumango ako. "Sige po."
Tapos lumapit siya ng isang hakbang—isa lang—at nagbago ang boses niya.
"One rule. Until we have a name and proof, nobody in that house knows the brakes were cut. Wala gid. Not even his mother."
Wala talaga. Kahit ang nanay niya.
Nanginig ang kamay ko sa envelope. "Pati po ang Nyora?"
"Pati siya."
Tahimik ang ilog sa likod namin. May bangkang dumaan, mabagal, tatlong tulak ng sagwan lang ang narinig ko.
"Okay," sabi ko.
Tumingin siya sa akin sa ilalim ng isang ilaw na 'yon, at lumipat ang salita niya, parang may binuksan na pinto.
"Indi ka isa lang, Dianne."
Hindi ako nag-iisa. 'Yon ang sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit biglang ang init ng mukha ko sa gabing kasing-lamig n'un.
Hindi siya lumapit pa. Umakyat siya pabalik, sumakay sa kotse, at umalis. Tatlo sa mga tauhan niya ang nasa labas ng gate, hindi kumikibo.
Pagbalik ko sa likod na gate, naka-kandado na.
Hinila ko 'yon. Dalawang beses. Tatlo. Umikot ako sa kalye, paikot sa pader, hanggang sa harap na gate ng Casa Montañez.
Naroon ang gate guard. Kilala ko siya. Naghahatid siya ng pandesal sa kusina tuwing Linggo.
"Pakibuksan po," sabi ko.
Hindi siya tumitingin sa akin. "Ma'am Dianne... indi puwede. Sorry po."
"Nasa loob ang anak ko."
Saka ko narinig ang abaniko. Nasa azotea ang Nyora, itim pa rin, nakatingin pababa sa akin na parang tinitingnan ang isang bagay na hindi niya inorder.
"The boy stays with his blood. The accountant goes."
Tapos may bumukas na bintana sa itaas. Maliit na anino. Maliit na boses na pumutol sa dibdib ko.
"Mama!"
"Toto—" Hinawakan ko ang rehas. "Anak, nandito lang si Mama. Nandito lang ako, ha?"
May humila sa kanya papasok. Sumara ang bintana.
Namatay ang ilaw sa azotea, at nanatiling sarado ang kandado.